Monday, April 29, 2013

Angely Chi : The Street Art Transporter


Isa sa mga naging paraan upang maipakita at mapalawak ang awareness ng street art at graffiti sa bansa ay ang mga umuusbong na Street Art / Graffiti Online Gallery at Blogs, kilalanin ang isa sa mga naging parte ng pag-hahatid ng mga makukulay na sining ng kalsada para sa buong sulok ng pilipinas at maaaring sa ibang bansa pa... 

ANGELY CHI  
StreetKonect / Pilipinas Street Plan
Administrator

Cavity Collective : Maam chi!!!..Magandang gabi po..

Angely Chi : Hi rasel!magandang gabi

CC : maam pwede po ba kayo makausap konting tanung-tanong lang po...hehehe medyo curious lang sa inyo....,for cavity blog lang po hehhe

Angely Chi : sure!fire away hehe

CC: hahaha salamat maam...,ok game..,di ko memorize yung line..kaya gutter kwentuhan move na lang maam heheh ok maam ilang taon ka na po?..

Angely Chi : ok lang, 26

CC : weh?..yung totoo po?..haha

Angely Chi : totoo iyan. hahaha!

CC : hahaha..maam pinakilala po kayo sakin nila kuya Blic at nalaman ko po na kayo ay isang "street art/ graffiti blogger" kelan po kayo nagsimula maam?..

Angely Chi : Gumawa ako nang street art and graffiti gallery sa multiply account ko i think around 2007-08. davao graffiti at street art ang focus ko noon kasi

napansin ko umuusbong dito samin.

CC : bakit po street art graffiti ang naisip nyong i blog at hindi mga make up or kikay kit pets event na sosyal etc something...,nakakamangha lang po kasi bihira

sa babae ang nagkakainterest sa mga ganyang bagay,,.,ano po yung nagtulak sa inyo na magblog ng isang umuusbong na kultura maam..

Angely Chi : hahahaha! una, di ako mahilig sa make-up at kikay kits. May aso ako pero nirerespeto ko ang privacy niya tsaka di ako interesado sa mga sosyal na

events.
Pero eto iyong pinakarason:
Naging miyembro ako ng grupo ng mga batang artists dito sa Davao. Under ito ng defunct Davao Artists Foundation, Inc. na dati'y pinakamalaking grupo dito sa Davao.

Dito ako namulat sa mga issues ng mga issues at struggles ng mga artists sa Mindanao particularly sa Davao. Isa sa mga problema na nakita ko iyong problema sa

space. Kumpara sa Manila kung saan maraming galleries at art spaces na pwedeng makagawa ng art exhibits, konti lang ang ganoon dito. Isa pang issue, na nakita ko

parang masyado pang tradisyonal iyong mga media at styles.Kaya naghanap ako ng alternatives.Kung kulang ang galleries bakit hindi sa mga public spaces?Bakit hindi

sa mga decrepit buildings o sa streets?Kung walang pambili ng pinta bakit hindi found objects?Tsaka mas nakita ko iba ang drive ng mga street artists at graffiti

writers sa paggawa at pagpush ng boundaries.Mas gusto ko rin ang street art at graffiti kasi mas accessible for the public.

CC : sang ayun ako sa layunin mo maam na di dapat limitahan ang pedeng magawa ng isang artist..,,,nung nagsimula po kayo sa street art may ginamit din po kayo na

alias or street name? like IMBA,PAKSIW etc na magrerepresent sa sarili nyo?,...ano pong pangalan niyo at bakit?.

Angely Chi : JUJU--african for magic. Iyong ginawa ko kasing blog pinangalan kong The Juju Bag. Kung sa African culture, eto iyong bag na naglalaman ng mga herbs at

iba pang bagay na ginagamit panggamot.Pero may mas nauna akong tag na di ko na sasabihin.hehhhee

CC : ang ganda naman ng name earth friendly..haha sabihin mo na maam atin-atin lang ahaha,, ah oo naalala ko na may nababasa akong juju bag na word dati pag

nagtitingin ako sa PSP blogspot..,ayun may nakapagsabi din sakin na isa ka daw po sa admin ng PSP blog maam paano po nangyari yun?.sino po yung unang nakilala nyo

sa psp?.paano?,,kung nakasama nyo na sila sa isang sesh..,

Angely Chi :iyong una talaga Franz Kafka was Here. eto iyong one and only tag ko na nafeature sa PSP blog. hahahah!i think last year iyong inimbitahan ako ni boy

agimat na magpost for PSP. Nung una akong nagkainteres sa graffiti at street art nakilala ko online ang PSP. uso pa ang multiply noon. tapos nagparticipate sila sa

isang artists convention sa Cagayan de Oro, iyong Sungdu-an. Sayang lang di ako nakapunta noon.iyong piece nila doon hanggang ngayon andoon pa.

CC : hahah classic..,ay maam graduate din po ba kayo ng fine arts?..or any related course sa art?.

Angely Chi : Undergrad ako ng BA English Major In Creative Writing sa UP-Mindanao.

CC : anu po yung masasabi nyo sa push ngayon ng street art sa bansa?.,,street art / graffiti po.

Angely Chi : Para sa akin iyong interesting na nangyayari iyong mga pag-uusap at arguments na nangyayari online at offline kasi nagtatanong na ang mga artists at

writers tungkol sa ginagawa nila, tungkol sa eksena,kung saan na sila ngayon at saan nila gustong tumungo.

CC : anu po pala pinagkakaabalahan nyo pag di kayo nagaart ?..may day job din po ba kayo?.,,

Angely Chi : Freelancer writer ako tsaka may trabaho ako sa museum. Nag-oorganize din ako ng mga events.Mostly related to arts at experimental music.literature din

pala

CC : sarap experimental music at art..,,,ang laya naman ng trabaho mo maam..,nakakatuwa..., may mga future plans po ba kayo about sa art about sa push ng street art

graffiti dito sa bansa?..,, may gusto ka po bang makacollab na artist?..

Angely Chi : By choice lang kaya nagagawa ko ang iba kong gustong gawin. Pero kahit initiative ko, di lang basta-basta katuwaan to. Kailangan pa rin pagtrabahuan.
May matagal na akong pinaplano na online timeline sa Phil. street art at graffiti. Pero nasa development phase pa.I mean planning stage pa. Madami akong gustong i-

collaborate na artists nitong project.

CC : sana makasama cavity dyan sa plano nyo saya nyan eheh.,ayun mayroon po ba kayong nakakainspire na kasabihan dyan para sa mga nagsisismula pa lang, sa mga

gustong sumubok, at nagpapractice ng street art / graffiti sa bansa....,?

Angely Chi : syempre naman.

(shared link) https://www.facebook.com/notes/angely-chi/document-decay/10150400377381769

Dear artists,


Please document decay in street art. Document the undoing,
the buffing, the take down. Destruction is part of the process;
change is inescapable and ownership is of little importance.

But no matter what, keep on.


CC : anu ulam nyo maam?..kumain na kyo?..

Angely Chi : hahah! oo. kanina pa. pritong isda at sinigang na baboy. kumain ka naba?

CC : hindi pa po maam maya maya na po hhehe..,maam last na lang may asawa o boyfriend na po kayo?..

Angely Chi : hahaha! wala.salamat sa interview

CC: hahaha..,maam ako din po eh maam maraming salamat po ..enjoy po kayo kausap..hehe see you next tym maam..,,sanaa makakolab ko din kayo minsa...SALAMAT PO NG

MARAMI!!GODBLESS PO!!!..
TIME!!!
hehehe

Angely Chi : yep! takits luzon ngayong october  good night and ingat! pakabusog ka!
maraming maraming salamat!

CC : haha opo maam..,salamat ng marami!!!:)


---